17-anyos dedo sa bike crash

CAVITE , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang kawalan ng disiplina sa pagmomotorsiklo, maagang sinalubong ni kamatayan ang 17-anyos na binatilyo matapos itong sumalpok sa concrete barrier sa kahabaan ng highway sa Barangay Uno, bayan ng Amadeo, Cavite kahapon ng madaling araw. Tumilapon ng ilang metro mula kinasalpukan sa barrier ang biktimang si Paul Armin Villanueva ng Barangay 12 habang kritikal naman ang backrider na si Jericho Jerome Custodio, 13, ng Barangay 11 sa nasabing bayan. Ayon kay SP01 Oliver Salazar, magkaangkas sa motorsiklo ang magkaibigan nang sumalpok sa kongretong barrier matapos mawalan ng kontrol sa manibela si Villanueva na sinasabing walang driver’s license.

 

Show comments