Mag-ina tusta sa sunog sa Cavite

MANILA, Philippines – Nasawi ang mag-ina sa Dasmariñas  City, Cavite matapos hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay Martes ng madaling araw.

Pinangalanan ng Cavite Provincial Police Office ang mga biktimang sina Susan Reglos at lalaking anak na si John Joey.

Base sa pangunang imbestigasyon, bandang alas-3 ng madaling araw nagsimula ang apoy sa Barangay Sta. Fe, Dasmariñas  City, kung saan apat na bahay ang nilamon ng apoy.

Kaagad rumesponde ang mga bumbero sa sunog na tumagal lamang ng 45 minuto ngunit bigong maisalba ang buhay ng mag-ina.

Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog at halaga ng mga natupok na ari-arian.

Show comments