Pulis patay sa bike crash

BALANGA CITY, Bataan , Philippines -– Patay ang bagitong pulis matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa punung­kahoy sa kahabaan ng highway sa Lerma Street, Barangay Ibayo Siyudad sa Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Joshua Farinas Alejandro, hepe ng Balanga City PNP ang biktima na si PO1 Alexis Angeles, tubong Olongapo City,  nakatalaga sa Balanga City PNP. Sa inisyal na ulat ng pulisya, nagpapatrulya ang biktima sa nasabing highway patungo sa direksyon ng Plaza de Balanga nang sumalpok sa punungkahoy matapos iwasan ang tumawid na hayop pagsapit sa nasabing lugar. Hindi na uma­bot ng buhay ang biktima sa Bataan General Hospital saka inilipat sa Isaac Catalina Memorial Center.

Show comments