Lider ng gunrunning syndicate dakip sa Davao

MANILA, Philippines – Nasakote na ang pinaghihinalaang pinuno ng gunrunning syndicate sa Davao del Sur kahapon.

Nakilala ang suspek na si Walte Miano Sr., ang pinaghihinalaang nagpapatakbo ng Loloy Miano group.

Nadakip si Miano ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police sa loob ng lungga niya sa  Sitio Kiawit, Barangay Zone 2, Sta Cruz, Davao Del Sur.

Nabawi mula sa suspek ang 10 kalire .38 revolver, tatlong airguns, marble rifle, iba't ibang bala, at mga kagamitan sa paggawa ng baril.

Napag-alamanan din ng mga awtoridad na hindi lisensyado si Miano na magpatakbo ng mga pagawaan ng baril.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang mga kasong isasampa sa suspek.

Show comments