PDEA agent nagbaril sa sarili

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang nag-suicide ang 34-anyos na tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos itong magbaril sa sarili sa kanilang bahay sa Barangay Sta Cruz, Cavite City, Cavite, kamakalawa ng gabi. Bandang alas-9:25 ng gabi nang matagpuan ng kanyang misis ang biktimang si James “Jem” Mahusag na naka-assign sa PDEA provincial office sa bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro. Ayon kay P03 Rodel Buitizon, katatapos lamang maligo ng biktima nang makarinig ang kanyang misis na si Melissa ng putok ng baril. Nang usisain ni Melissa ang pinagmulan ng putok ng baril ay bumulaga ang duguang katawan ng biktima. Narekober sa tabi ng biktima ang cal. 45 pistol at ilang bala ng baril.

Show comments