Senglot todas dahil sa mangga

CAVITE, Philippines - Dahil sa pagkalango sa alak, napaaga ang salubong ni kamatayan sa 43-anyos na lalaki makaraan itong mahulog mula sa ikatlong palapag ng gusali habang kumukuha ng mangga sa punungkahoy sa Barangay Capipisa, bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi. Basag ang bao ng ulo ng biktimang si Voltaire King Soledad ng  Purok II, Sylverio Compound sa Parañaque City. Sa ulat ni P01 Joel Mendoza, umakyat sa ikatlong palapag ng gusali ang biktima para mamitas ng mangga nang biglang madulas at mahulog. Naisugod pa sa ospital ang bikitma subalit idineklarang patay.

Show comments