Mag-asawa dedo sa killer van

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Malagim na kamatayan ang tinahak ng mag-asawa matapos salpukin ng kanilang motorsiklo ang kasalubong na van sa kahabaan ng national highway sa Barangay San Fabian, bayan ng Echague, Isabela noong Sabado ng gabi.
 Kinilala ni P/Chief Insp. Melchor Ariola, hepe ng Echague PNP ang mga biktima na sina Romulo Cabanilla, 59; at Rosalinda Cabanilla, 55.
 Lumalabas sa imbestigasyon na umagaw ng linya ang mga biktima nang tangkaing mag-overtake sa sinusundang sasakyan kaya nakasalubong nila ang Toyota Hi-Ace van na pag-aari ng munisipyo na minamaneho ni Elmer Vira, 25.
 Patay na nang maisugod ng mga sumaklolo ang mag asawa sa Echague District Hospital samantalang sumuko naman si Vira sa pulisya matapos ang insidente.

 

Show comments