Tsinoy kinidnap sa gasolinahan

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang anak na lalaki ng  negosyanteng Tsinoy sa Barangay Poblacion, bayan ng Siocon, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Senior Inspector Joseph Ortega, spokesman ng police regional office 9 ang biktima na si Michael Co, 27, anak ni Allan Co na may-ari ng Petron Gasoline Station sa nasabing bayan. Sa phone interview, sinabi ni Ortega na naganap ang pagdukot sa bisinidad ng nasabing gasolinahan ng pamilya bandang alas-6:35 ng gabi. Walang nagawa ang biktima matapos tutukan ng baril saka kinaladkad pasakay sa maroon na SUV na walang plaka. Sa follow-up operation ng pulisya, narekober naman ang getaway vehicle na ginamit ng mga kidnaper matapos abandonahin sa Barangay Latabon.

Show comments