Jailbreak: 3 preso pumuga

MANILA, Philippines - Tatlong preso na sinasabing nakapuga mula sa Provincial Jail ng Zamboanga del Norte ang tinutugis ngayon ng mga awtoridad kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Joseph Ortega, ang mga pugante na sina Antonio Tuagi, Danford Duhaylungsod at Brian Nobresala na kapwa may mga kasong murder at rape. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagawang makatakas ng tatlo matapos na sirain ng barb wire na bakod ng piitan sa bisinidad ng Don Jose Aguire, Manukan. Sinamantala ng mga preso na makalingat ang kanilang bantay kaya naganap ang jailbreak. Sinusuyod nang pulisya  ang mga bayan ng Sergio Osmeña, Rizal at Katipunan, Zamboanga del Norte na may posibilidad na pinagtaguan ng tatlo.

Show comments