_ngayon
^

Probinsiya

Bike vs trak: 3 bumulagta

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang bumulagta makaraang  sumalpok  ang humahagibis na motorsiklo sa sinusundang 10-wheeler truck sa Butuan City, Agusan del Norte noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Jun Manego, John Donaire, at si Eldrian Gurnea, 27, mga residente sa Barangay Ambago sa nasabing lungsod.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sakuna sa kahabaan ng national highway sa Barangay Baan, KM14 dakong alas-9 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang pauwi na ang mga biktima lulan ng motorsiklo na minamaneho ni Gurnea nang aksidenteng sumalpok sa sinusundang truck.

Nabatid na masyadong mabilis ang takbo ng motorsiklo kung saan biglang huminto ang truck ay su­malpok ito sa hulihan at tumilapon ang mga biktima.

In-impound naman ng pulisya ang truck habang pinaghahanap naman ang driver na mabilis na tumakas.

 

AGUSAN AYON BARANGAY AMBAGO BARANGAY BAAN BUTUAN CITY CAMP CRAME ELDRIAN GURNEA JOHN DONAIRE JUN MANEGO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with