2 tiklo sa drug bust

CAVITE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang lalaki na sinasabing notoryus na drug pusher matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Ipil, bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Rene “Nognog” Manzanilla 31; at Jose Ramos Acosta, 58, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Nasamsam sa mga suspek ang 24-plastic sachet ng shabu at iba’t ibang uri ng gamit sa bawal na droga.

 

Show comments