Pool attendant grabe sa explosion

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakiki­pag­laban kay kamatayan ang 24-anyos na pool attendant sa naganap na pagsabog sa isang resort sa Barangay Sicayab, Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mark Anthony Mojica, attendant sa Valdia Gardens Function Hall and Restaurant na pag-aari nina Dr. at Mrs Valentino Tiu sa nabanggit na barangay.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, pinaghalo ng biktima sa timba ang chlorine at alum saka tinakpan kung saan inalog nang inalog.

Iniwan ng biktima ang timba at habang paalis ito ay biglang sumabog ang nasabing kemikal.

Ang biktima ay nagtamo ng pagkasunog sa katawan at hematoma kung saan agad isinugod sa klinika ng among doktor sa Central Barangay ng nasabing lungsod.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang plastik na timba, plastik na tubo na dinala na sa Dipolog City PNP upang suriin.

Show comments