Ilocos Norte tinamaan ng magnitude 5.3 lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Ilocos Norte ngayong Lunes, ayon sa state volcanology agency.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naitala ang sentro ng lindol 29 kilometro timog at 87 kilometro kanluran ng Burgos, Ilocos Norte kaninang 1:55 ng hapon.

May lalim na 10.4 kilometro ang lindol na tectonic ang origin, dagdag ng Phivolcs.

Naramdaman ang intensity 5 sa bayan ng Pasuqui, habang Intensity 4 naman sa Sarrat, Laoag at Paoay.

Intensity ang umabot sa  Sinait at Santa sa Ilocos Sur; at Callao, Peñablanca at Calayan sa Cagayan.

Hindi naman naramdaman ang Intensity 1 sa summer capital ng bansa ang Baguio City.

Samantala, sinabi ng United States Geological Survey na magnitude 5.8 ang tumama sa Ilocos Norte.

Show comments