Mag-asawa kinidnap ng Abu

MANILA, Philippines - Muli na namang naghasik ng terorismo ang mga bandidong Abu Sayyaf Group makaraang dikutin ang mag-asawa sa bayan ng Patikul, Sulu, kahapon ng umaga. Sa inisyal na ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame,  kinilala ang mag-asawa na sina Bonifacio at Claire Salinas na kapwa kawani ng Jolo Water District at nakatira sa Kasalamatan Village, Brgy. San Raymundo, Jolo, Sulu.
  Sinasabing may ilang araw na naghintay ang grupo ng mga bandido sa pagdating ng mag-asawang lulan ng commercial ferry mula sa Zamboanga nang dukutin  bandang alas-5:30 ng umaga.

 

Show comments