P4-M ari-arian naabo

BULACAN, Philippines — Umaabot sa P4-milyong halaga  ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang Francisco F. Halili National Agricultural School sa Barangay Guyong, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Base sa ulat, nagsimulang masunog ang bahagi ng library bandang alas-7:45 ng gabi kung saan mabilis naman naapula subalit ilang minuto ang nakalipas ay nagsimulang masunog ang apat na section ng dalawang palapag ng gusali ng nasabing paaralan. Patuloy naman ang imbetigasyon ng mga awtoridad kung saan wala namang iniulat na nasugatan at namatay.

Show comments