Army itinumba ng tandem

NORTH COTABATO , Philippines   - Bulagta ang beteranong  sundalo ng Philippine Army makaraang ratratin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng national highway sa Sitio Mala­buaya, Barangay Kayaga sa bayan ng Kabacan, North Cotabato noong Sabado ng gabi. Napuruhan sa tagiliran ng katawan ang biktimang si Corporal Kung Balono ng 512nd  Engineering Battalion ng Phil. Army at nakatira sa bayan ng Pikit, North Cotabato. Batay sa police report, nagmomotorsiklo ang biktima nang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki na sakay din ng motorsiklo. Samantala, agad namang kinuha ng kamag-anak na si Chairman Kuat Butuan ng Barangay Balatikan ang bangkay ng biktima.

 

Show comments