Bike vs van: Magpinsan dedo

QUEZON , Philippines   - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang magpinsang binata matapos na bumangga sa van ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kahabaan ng Guis-guis National Road sa Barangay Lutucan 1, bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi. Kapwa nagtamo ng grabeng sugat sa ulo at katawan ang magpisang sina Angelito Patasin y Zerenilla, 23; at Bryan Patasin y Villocillo, 26, mga nakatira sa Barangay Montecillo. Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng  motorsiklo ang magpinsang mula sa inuman nang sumalpok sa kasalubong na Isuzu Elf van (RCB-315) na minamaneho ni Michael Timagos ng Cavite. Tumilapon ng ilang metro ang dalawa kung saan natuklasan naman walang lisensya sa pagmamaneho si Timagos.

 

Show comments