Magkaibigan niratrat ng tandem

BULACAN , Philippines  â€“ Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang magkaibigang lalaki matapos na pagbabarilin ng motorcycle-riding-gunmen sa bahagi ng Barangay Caypombo, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Naisugod sa Bulacan Medical Center ang mga biktimang sina Ronald Velasquez, 35, school service driver; at John Joaquin 24, negosyante, kapwa nakatira sa Las Palmas Subdivision sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, hepe ng  Sta. Maria PNP,  naganap ang pamamaril sa harap ng tindahan habang bumibili ng sigarilyo ang mga biktima. Bago maganap ang  insidente ay nakipag-inuman ang dalawa sa mga kaibigan sa bahay na pag-aari ng pamilya  Molina kung saan nagpaalam ang mga ito na bibili lamang ng sigarilyo.

 

Show comments