4 tiklo sa pot session

BULACAN, Philippines — Sa halip na magbagong buhay sa pagpasok ng Bagong Taon ay nagpatuloy pa sa paggamit ng bawal na droga ang apat na lalaki kung saan nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa aktong humihithit ng shabu sa bakanteng bahay sa Barangay Bayugo, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan  ang mga suspek na sina Jeric Tumol, 20, ng Brgy. Longos; Fortunato Geronimo, 43, ng Brgy. Malhacan; Christian Domingo, 28, ng Brgy. Abangan Norte sa bayan ng Marilao; at si Ronaldo Dela Cruz, 36, ng Brgy.,Tabang sa Guiguinto. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Rafmil Corfuz, ang mga suspek ay nasakote dakong alas-10 ng umaga sa loob ng bahay sa Northville 3 kung saan nasamsam ang pitong plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias.

 

Show comments