Mister grinipuhan ng pinsan
MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang 32-anyos na mister matapos itong pagsasaksakin ng kaniyang pinsan na sinasabing may kinikimkim na galit habang ka-chat ang misis sa facebook sa Barangay Danao, bayan ng Salug, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi. Patuloy na isinasalba ngayon sa Liloy Integrated District Hospital sa tinamong saksak sa tiyan ang biktimang si Vilmer Mananquil habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Inocencio Mananquil Jr. Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang abala sa pakikipag-chat sa facebook ang biktima sa kaniyang misis na si Rosalinda Tayasan Mananquil, 24, gamit ang kaniyang cellular phone nang biglang lapitan at pagsasaksakin ng suspek.
- Latest