4 tiklo sa pot session

BULACAN , Philippines   â€” Sa kulungan magdiriwang ng Kapas­k­uhan ang apat na lalaki matapos na maaresto  ng mga operatiba ng pulisya sa aktong gumagamit ng shabu sa Barangay Bancal, Meycauayan City, Bulacan kama­kalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Polymar Vincent Dela Cruz, 29; Lornaldo de Castro, 38, mga nakatira sa Bancal Ext., Brgy. Bancal; Sherwin Alberto, 34; at si Bernard Sillano, 44, kapwa nakatira sa ng Ramcar Subd. sa Barangay Saog, bayan ng Marilao. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Rafmil Corfuz, bangag pa ang apat nang arestuhin sa bahay ni alyas Polymar habang nasamsam naman ang 11-plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalias.

Show comments