P1-M produkto naabo

MANILA, Philippines - Umaabot sa P1 milyong halaga ng mga produkto ang natupok ng apoy makaraang masunog ang isang establisyemento sa Barangay Poblacion, Bayugan City sa Agusan del Sur kamakalawa ng gabi. Bandang alas-11:45 ng gabi nang magsimulang tupukin ng apoy ang Bayugan William Marketing sa gilid ng Narra Avenue. Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Caraga PNP spokesman P/Supt. Martin Gamba, bigla na lamang sumiklab ang sunog sa nasabing establisyemento. Nagtagal umano ng tatlong oras ang sunog bago tuluyang naapula ng mga bumbero kung saan wala namang naitalang nasugatan. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at Bureau of Fire Protection.

Show comments