Lolo utas sa motorsiklo

Cavite, Philippines - — Isang 73-anyos na lolo ang nasawi makaraang salpukin ng ruma­ragasang motorsiklo habang tumatawid sa Naic, Cavite kamakalawa.


Hindi na umabot ng buhay sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktimang si Benjamin Villaluz, residente ng Brgy. Humbac, Naic, Cavite habang arestado naman ang suspek na si Ariel Pel, 37, mekaniko ng Brgy. Molino, Naic, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7  ng gabi, patawid ang biktima sa Governor’s Drive Brgy. Sabang, nang biglang tumbukin ng motorsiklo na minamaneho ng suspek na patungo sana sa kabisera ng Naic.


Nabagok ang ulo ng biktima kaya nasawi. Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang ikakaso laban sa suspek.

Show comments