Trader pinagselosan, dinedo

BULACAN, Philippines - – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 63-anyos na negosyante ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Caysio sa Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Celestino Ber­nandez ng Northville 5-A sa nasabing barangay habang tugis naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas Dodong na sinasabing ka-live-in ni Amy Arezala. Sa ulat ni PO2 Jonathan Mañacap, nagmomotorsiklo ang biktima nang tambangan ng suspek pagsapit sa madilim na bahagi ng nasabing barangay. Lumilitaw na nagalit ang suspek dahil nagparamdam ang kanyang ka-live-in na may damdamin ito sa biktima.

Show comments