Armas, bala, bomba isinuko ng konsehal

QUEZON, Philippines - - Iba’t ibang armas, mga bala at eksplosibo ang isinuko sa pulisya ng ex-mayor at ngayon ay municipal councilor sa bayan ng Dolores, Quezon noong Martes ng umaga.

Isinuko ni Dolores Councilor Rico Acuña, ang mga armas, mga bala at pampasabog sa harap nina P/Senior Supt. Marceliano Villafranca, hepe ng ROPD; Dolores Mayor Renato Alillio Sr., at P/Senior Inspector Heinrich Alafriz, hepe ng Dolores PNP.

Kabilang sa mga isinu­render na mga armas ay isang cal. 30 rifle, cal. 7.62mm rifle, cal. 7.62mm rifle, cal. 7.62 mm rifle (AK 47) na may magazine ng bala, Garand rifle, cal.45 pistol, Japanese woodpecker, 40mm (M79) grenade launcher, shotgun, tatlong rifle grenades HE, 3-MK2 grenade, at tatlong piraso ng isang kilo at kalaha­ting pound eksplosibo ng TNT.

Bukod dito nasa 300 bala ng cal. 7.62, 21 rounds ng cartridge cal. 7.26, limang rounds ng cartridge, 200 bala ng cal .30 at limang kahon ng iba pang mga bala.

Ang mga armas at pampasabog ay mula pa umano sa namatay na ama ni Acuña na si Galo Espiritu Acuña Sr. ng UP Diliman Vanguard Class 56 and 57.”

Show comments