Bus vs bike: Magkaibigan dedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€” Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang magkaibigang lalaki makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Calzada, bayan ng Oas, Albay kahapon ng madaling-araw. Naisugod pa sa  Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital subalit idineklarang patay sina Jim Christopher Quiane, 26; at Edimer Morada, 26, kapwa nakatira sa Barangay Guilid, Ligao City. Nabatid na nag-overtake ang motorsiklo ng mga biktima sa sinusundang jeep nang makasalubong ang DLTB Bus Liner (TYX-906) ni Rey Castillon na patungong Sorsogon mula sa Maynila.

Show comments