Utak sa pagpatay ng photojournalist, dakma

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang itinuturong utak sa pamamaslang ng photojournalist ng Manila Bulletin sa isinagawang operasyon sa Barangay Dadiangas West, General Santos City, South Cotabato kamakalawa ng hapon.

Bandang alas-5 ng hapon  nang masakote ng pinagsanib na puwersa ng Regional Public Safety Company  at grupo ng pulisya ang suspek na si Jerry Jusayan Intoman.

Ayon kay P/Chief Supt. Charles Calima, ang suspek ay itinuturong mastermind sa pamamaslang sa biktimang si Mario Sy noong Agosto 2013 sa bahagi ng Quezon City.

Nasamsam sa suspek ang isang plastic sachet ng shabu, ilang piraso ng marijuana, P 2,000 cash, cal.9mm pistol (Pietro Beretta) na may 14 bala at sari-saring drug paraphernalia.

Show comments