Holdaper todas sa sekyu

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  â€“ Namatay ang di-kilalang lalaki na nangholdap sa mga customer ng isang restaurant matapos barilin ng security guard kahapon ang umaga sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Maciste Extor Serrano, hepe ng Bagabag PNP, bandang alas-5:25 ng umaga nang pasukin at holdapin ang GnB Restaurant sa Barangay Tuao, South. Wala naman magawa ang security guard na si Cesmer Belaras matapos itong tutukan ng baril at kinuha service shotgun. Gayon pa man, namataan ito ng isa pang security guard na nasa ikalawang palapag ng restaurant na si Dominic Goco kaya agad na sumaklolo. Pinaputukan ng holdaper ang sumaklolong si Goco at tinamaan sa kaliwang hita pero nagawa nitong lumaban. Na agaw naman ni Belras ang shotgun at pinutukan ang holdaper matapos matunugang tangkang barilin ang kabarong sekyu habang inaalam ang pagkakakilanlan ng holdaper.

Show comments