14-anyos hinoldap, ni-rape ng driver

BULACAN, Philippines –  Maagang napariwara ang kinabukasan ng 14-anyos na dalagitang estudyante matapos itong holdapin ay hinalay pa ng 28-anyos na trike driver sa gitna ng palayan sa Barangay Sullivan, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa. Arestado naman ang suspek na si Reyniel Pascual ng Barangay Pagala at may nakabimbing kasong attempted Rape sa sala ng Malolos City Regional Trial Court. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Julius Cesar Domingo, lumilitaw na sumakay ng trike ng suspek ang biktima at nagpahatid sa kanilang bahay sa Brgy. Bongga Mayor subalit idiniretso nito sa gitna ng palayan. Matapos isagawa ang maitim na balak ay kinulimbat pa ng suspek ang dalawang cell phones at P600 ng biktima. Iniwan ng suspek ang biktima kaya nakapagsumbong sa kanyang mga magulang.

Show comments