Lola dinedo ng ‘adik’

CAMARINES NORTE , Philippines– Napaslang ang 71-anyos na biyudang lola matapos itong saksakin ng binata na sinasabing lango sa droga kahapon ng umaga sa Purok 2, Barangay Dalnac sa bayan ng Paracale, Camarines Norte. Kinilala ni P/Insp. Ana Rose Domingo ang biktima na si Justina Jardino habang nasakote naman ang suspek na si Froilan Lamadrid, 37, kapwa sa nabanggit na barangay. Batay sa ulat ng pulisya, naglalaba ang biktima sa harapan ng kanyang bahay nang lapitan at pagsasaksakin ng suspek bandang alas-9:30 ng umaga. Tumagal ng ilang oras bago maaresto ang suspek magtapos itong manghalibas ng patalim sa mga operatiba ng pulisya.

Show comments