School nilamon ng apoy

Pinagtutulungang apulahin ng mga miyembro ng pama­tay-sunog ang naglalagablab na gusali ng high school sa University of Baguio sa Lakandula Street kahapon ng umaga. Kabilang sa mga nasugatan sa naganap na sunog ay sina Marshal Student Fredie Chatoy at UB P.E. ­Instructor Cesar Batikao. Kuha ni Andy Zapata Jr.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Umaabot sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang apat na palapag ng lulang  gusali ng high school sa University of Baguio sa kahabaan ng Lakandula Street, Baguio City kahapon ng umaga. Ayon kay P/Chief Insp. Jacinto Tuddao na  umaabot  sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy na sinasabing faulty electrical wiring ang isa sa pinagmulan ng apoy. Nabatid na bandang alas-10 ng u­maga nang magsimulang masunog ang nasabing gusali kahit na bumubuhos ang malakas na ulan.

 

Show comments