4 todas sa kidlat
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2013 - 12:00am

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Magkasabay na niyakap ni kamatayan ang apat na sibilyan makaraang tamaan ng kidlat sa gitna ng palayan sa Barangay Matacon, bayan ng Polangui, Albay at sa lalawigan ng Nueva Vizcaya kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang dalawa na sina Rey Resurreccion, 20, estud­yante sa Polangui Community College; at Alexis Camacho, 36, magsasaka at kapwa nakatira sa Barangay Salvacion.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, abala ang dalawa sa pagtatrabaho sa palayan nang biglang kumulog kung saan sinabayan ng matalim na kidlat na tumama sa mga biktima.

Samantala, dalawa ring magsasaka ang namatay matapos tamaan ng kidlat sa Barangay Yaway sa bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa. Nakilala ang dalawa na sina Jeremias Nabe, 20; at Albert Eldo, 51.

Napag-alamang nag-aani ng mga pananim na luya ang dalawa nang biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinaba­yan naman ng kidlat kaya nagpasyang na sumilong sa kubo. Habang nakasilong ay biglang tinamaan ng kidlat ang puno na nagsisilbing poste ng sinilungang kubo kaya maging ang dalawa ay tinamaan din ng kidlat. Ed Casulla at

 

ALBERT ELDO ALEXIS CAMACHO BARANGAY MATACON BARANGAY SALVACION BARANGAY YAWAY ED CASULLA JEREMIAS NABE NAKILALA NUEVA VIZCAYA
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with