2 dinedo sa hapag-kainan

NUEVA ECIJA, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng apat na kalalakihan habang naghahapunan sa kanilang bahay sa Purok 4, Barangay Camajuan, bayan ng San Antonio, kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City subalit idineklarang patay sina Peter Berones, 48; at Feliciano Sumang, 38, kapwa helper sa bukid na pag-aari ni Godofredo Angeles Jr., 47, na tinamaan naman sa kanang hita. Samantala, isa sa apat na suspek ay nakilalang si Alberto Cordova, 38. Nabatid sa imbestigasyon na magkakasamang naghahapunan ang tatlo sa loob ng bahay nang pasukin at ratratin ng apat na gunmen.

Show comments