Pulis todas sa pananambang

MANILA, Philippines - Isa na namang pulis ang napatay matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Aguada, Isabela City sa Basilan kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Senior Supt. Mario Dapilloza, regional director ng Basilan PNP, naganap ang pananambang sa kahabaan ng P. Pardo Avenue. Lumilitaw na pauwi na  ang biktimang si PO2 Henry Noel Hidalgo ng Isabela PNP nang harangin at ratratin ng tatlong armadong lalaki bandang alas-11:40 ng gabi. Duguang tumilapon mula sa motorsiklo ang biktima kung saan naisugod pa sa Basilan Community Hospital subalit idineklarang patay. Tinangay din ng gunmen ang cal. 45 pistol ng biktima habang patuloy naman ang imbetigasyon.

 

Show comments