Lover ni misis inutas ng mister

NUEVA ECIJA, Philippines – Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo kaya sinaksak at napatay ang 39-anyos na matadero ng kanyang kapitbahay na mister sa  Barangay Aduas Centro, Cabanatuan City sa Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center ang biktimang si Ronald Trajano habang tugis naman ang suspek na si  Danny Cajeta, 39, driver, kapwa nakatira sa Flowerlane ext. sa nabanggit na lungsod. Base sa police report, naglalakad ang biktima na kasama ang misis ni Cajeta sa bisinidad ng Ramirez Street nang mamataan ito ng suspek. Dito na kinompronta ng suspek ang biktima hanggang sa mauwi sa pananaksak.

Show comments