Call center rep. nalunod

BATANGAS, Philippines  â€“ Kamatayan ang sumalubong sa 28-anyos na babaeng call center representative matapos malunod habang naliligo sa beach resort sa Barangay Laiya-ibabao sa bayan ng San Juan, Batangas kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas PNP director ang biktima na si Ma. Imelda Matoto ng Guadalupe, Makati City at kawani ng Accenture Call Center sa Mandaluyong City. Sa imbestigasyon ng pulisya, naligo at lumangoy sa One Laiya Beach Resort ang biktimang lango sa alak subalit hindi na nakabalik. Nang hanapin ng mga kaibigan, natagpuan ang bangkay ng biktima na palutang-lutang may ilang metro ang layo sa pampang ng nasabing resort. Isinugod pa sa San Juan Doctors Hospital pero idineklarang patay ang biktima.

Show comments