Stude inutas ng kainuman

TUGUEGARAO CITY , Philippines   â€“ Napatay ang 21-anyos na college student makaraang barilin ng kanyang kainuman sa Barangay Centro sa bayan ng Angadanan, Isabela noong Biyernes Santo ng gabi.
 Kinilala ni P/Supt. Narciso Paragas ang biktima na si Joem Navarro ng Barangay Aniog habang arestado naman ang mga kainuman ng biktima na sina Alfredo Collado, 25; Angelito Reyes, 23; at si Romar Manzano, 25, na sinasabing mga kababata ng biktima.
 Lumalabas sa imbestigasyon na lango sa alak ang biktima at mga suspek nang magtalo kaugnay sa pulitika na umpisa ng kampanyang pang lokal. Ayon kay Paragas, si Collado lamang ang nagpositibo sa parafin test subalit ikinatwiran nito na nakipag-agawan ng baril na itinutok ng kanya ng kainuman.

Show comments