Konsehal niratrat ng tandem

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 40-anyos na konsehal ng barangay matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassin sa kahabaan ng national highway sa Barangay Pangi, bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay, kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Konsehal Montasir Singa, 40, may asawa, ng Barangay Alicia sa nabanggit na bayan. Sa ulat ni P/Chief Insp. Ariel Huesca  na nakarating sa Camp Crame, naitala ang krimen dakong alas-3:35 ng hapon kung saan nagmomotorsiklo ang biktima patungong Poblacion. Apat na tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tumama sa katawan ng biktima kung saan naisugod pa sa Villa Hospital pero inilipat sa ibang ospital dahil na rin sa maselang kalagayan.

 

Show comments