3 kumidnap sa trader, arestado

BULACAN, Philippines – Tatlo sa sampung miyembro ng kidnap-for-randog gang ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na magkahiwalay na operas­yon sa Barangay Sapang Putik at Barangay Sublic sa bayan ng Baliwag, Bulacan, ayon sa ulat ng pulisya.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Azenith Briones, 32; Ricardo Hovilla Jr., 23, kapwa nakatira sa Brgy. Subic, Baliwag, Bulacan; at si Manuel Atencio, 46, ng Brgy. Pescadores, Candaba, Pampanga.

Samantala, pinaghahanap naman ang iba pang  suspek na sina Andy Turla ng Brgy. Mapaniki, Candaba, Pampanga; Raymond Inano ng Brgy. Pala-Pala sa San Ildeponso; Guilbert Tambot, isang alyas Dencio, alyas Jay ng Brgy. Mapaniki, Candaba, Pampanga at dalawang iba pa.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Joel Orduña, kinidnap ang biktimang si Emerson Magadia ng Brgy. Sapang Putik sa bayan ng San Ildeponso, Bulacan noong Huwebes ng umaga (Pebrero 14).

Matapos nakapagbigay ng P12-milyong ransom ang mga kaanak sa mga kidnaper ay pinakawalan ang biktima kung saan nakipag-ugnayan ito sa pulisya.

Narekober sa mga suspek ang cal.45 pistol, mga bala, dalawang sachet ng shabu, at mga personal na gamit ng biktima.

 

Show comments