5 sugatan sa sumabog na IED

MANILA, Philippines - Lima-katao kabilang ang 4-anyos na bata ang iniulat na nasugatan matapos sumabog ang isang uri ng bomba sa bisinidad ng Foster Street, Barangay New Banicain, Olongapo City kamakalawa ng hapon. Naisugod sa James Gordon Memorial Hospital ang mga biktimang sina Angelito Doria, 35; Jovielyn Bruan, 29; Leonora Ugto, 33; John Mark Ugto, 4; at si Bernabe Lacuata, 46. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, noong Pebrero 16 ay napulot nina Doria at Lacuata ang dalawang improvised explosive device (IED) na sinasabing may mga kawad at dalawang 1.5 baterya at itinago sa kanilang bahay. Gayon pa man, noong Miyerkules ay kinalikot nina Doria ar Lacuata ang bomba kaya sumambulat.

 

Show comments