18-anyos naglasing bago nagbigti

QUEZON , Philippines - Hindi akalain ng mga kaanak ng 18-anyos na binata na tototohanin nito ang birong pagpapatiwakal matapos na matagpuan walang buhay na nakabitin sa ilalim ng kanilang bahay sa Barangay 4 sa bayan ng Lucban, Quezo, kamakalawa ng umaga.

 Ayon kay SPO1 Edwin Bebida, umiinom ng alak ang biktimang si John Veluya nang nagbiro ito sa kanyang utol na si Jasmine na bukas ng umaga ay makikita siyang patay sa ilalim ng hagdanan.

Hindi naman pinansin ni Jasmine ang pagbibiro ng kapatid subalit kinabukasan ay natagpuang nakabitin ang biktima sa ilalim ng hagdan gamit ang nylon cord.

Show comments