Totoy lasog sa napulot na granada

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng 9-anyos na totoy matapos itong masabugan ng granada na napulot at kinalikot sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Bugallon Proper sa bayan ng Ramon, Isabela kahapon ng tanghali. Natanggal ang

mga kamay at wakwak ang mukha ng biktimang si Gino Paduan na naisugod pa sa ospital subalit namatay din. Lumalabas sa imbestigasyon na narinig ng mga kaanak ang biktima na may minamartilyo ito sa  kanilang kusina nang biglang umalingawngaw ang malakas na

pagsabog.
 Pinaniniwalaang napulot ng biktima ang granada sa kalsada at ito ay kanyang inuwi upang kalikutin.


Show comments