Pulis, 2 pa tiklo sa gun ban

MANILA, Philippines - Tatlong kalalakihan kabilang ang isang nagpakilalang pulis na nakumpiskahan ng iba’t ibang uri ng baril at bala ang nadakma sa inilatag na checkpoint sa Barangay Sta. Clara Sur sa bayan ng Pila, Laguna kamakalawa ng gabi. Ayon kay P/Supt. Brion Kirby Kraft, hepe ng Provincial Intelligence Branch ng Laguna PNP, kabilang sa mga suspek ay sina Ricardo Caballes, Mario Lubi, 44; at ang nagpakilalang pulis na si PO2 Saturnino Balba, 42, ng Police Security and Protection Group (PSPG). Ang mga suspek na lulan ng Toyota Innova (TVQ 302) ay matagal nang isinasailalim sa surveillance operations kaugnay ng pagkakasangkot sa serye ng robbery/holdup. Nasamsam sa mga suspek ang dalawang cal. 45 pistol, granada, cal. 38 revolver, mga bala at dalawang magazine ng cal. 38 revolver.

Show comments