Trike vs bus: 2 bulagta

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos salpukin ng pampasaherong bus ang traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Gana sa bayan ng Caba, La Union kahapon ng madaling-araw. Nagkalasug-lasog ang katawan ng mga

biktimang sina Jervin Gonzales, 35, driver ng traysikel at Noel Mapili, 45, kapwa nakatira sa karatig bayan ng Aringay. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang driver ng Partas Transport Bus na si Robert Fontanilla, 46, ng Balaoan, La Union. Lumalabas sa imbestigasyon na

umagaw ng linya ang trike sa kurbadang bahagi ng highway kaya nasalpok ng bus.

Show comments