_ngayon
^

Bus vs truck: 2 utas, 40 sugatan

Ed Casulla at Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2013 - 12:00am

CAMARINES NORTE, Philippines – Maagap na sinalubong ni kamatayan ng 2-katao habang aabot naman sa 40 ang iniulat na nasugatan makaraang sumalpok ang pampasaherong bus sa nakaparadang truck sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay San Isidro sa bayan ng Castilla, Sorsogon kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Clodualdo Recel, 64; Ferdinand Hirao,driver ng bus habang ginagamot naman sa ilang ospital ang mga nasugatang pasahero na sina Karen Cerbito, Gemma Acopiado, Nacsa, Guinlahon,  Jennielyn Jular, Bernardita Troncuso, Osias Samante, Joyce Ann Tapalla, Merlan Obesis, Adelaida Ultra, Eduardo Trancesa, Marcelino Luguere, Riena Umbog, Rafael Umbog ng Hinablan, Joselita Robles, Jeffrey Tangkisa, at si Manuel Durana.

Nabatid na patungong Samar ang  Elavel Bus Liner mula sa Maynila nang salpukin nito ang nakaparadang truck na nasiraan sa tabi ng madilim na bahagi ng highway.

 

ADELAIDA ULTRA BARANGAY SAN ISIDRO BERNARDITA TRONCUSO CLODUALDO RECEL EDUARDO TRANCESA ELAVEL BUS LINER FERDINAND HIRAO GEMMA ACOPIADO JEFFREY TANGKISA JENNIELYN JULAR JOSELITA ROBLES
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with