Trader tinodas sa tindahan

OLONGAPO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang usapin sa piang-aagawang lupain ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 46-anyos na negosyante ng riding-in-tandem sa Barangay Sta. Barbara sa bayan ng Iba, Zambales kamakalawa ng umaga. Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Rodencio B. Jimenez ng Purok 1, Sitio Alwab sa nasabing barangay. Lumilitaw sa police report na nasa loob ng pag-aaring tindahan ang biktima nang lapitan at ratratin ng tandem. Nagkunwaring bibili ng sigarilyo ang isa sa gunman bago isagawa ang pamamaslang.

Show comments