Mag-ama kritikal sa pamamaril

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang mag-ama matapos ratratin ng mga ‘di-kilalang kalalakihan sa loob ng kanilang tahanan sa Port Junction Sur sa bayan ng Ragay, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Naisugod sa Ragay District Hospital ang mag-amang Anastacio Del Castillo Jr., 55; at John Angelo Del Castillo, 21. Samantala, sa follow-up operation ng pulisya ay naaresto ang isa sa mga suspek na si Antone Ene ng Barangay Inaclagan sa bayan ng Gumaca, Quezon.

Show comments