Construction worker pinugutan

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Pinugutan ang 41-anyos na construction worker ng di-kilalang lalaki na sinasabing kasamahan nito sa trabaho sa Barangay Suyo sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte kahapon ng umaga. Sa inisyal na ulat ang pulisya, kinilala ang biktima na si Roy Agtang Maddela ng Sta. Praxedes, Cagayan. Ayon sa pulisya, ang biktima ay natagpuang gutay gutay din ang katawan bago iniwan sa loob ng kanilang bunkhouse sa nabanggit na barangay.

Show comments