Mekaniko dinedo ng drug pusher

BULACAN, Philippines  – Napatay ang 38-anyos na mekaniko matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki na sinasabing drug pusher sa bahagi ng Barangay San Manuel sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Jonard Avelino ng Francisco Homes sa Barangay Mulawin sa nasabing lungsod. Ayon kay P01 Marlon Maruis, malimit mamataan ang biktima sa nasabing lugar kung saan sinasabing lantaran ang bentahan ng bawal na droga.

Show comments