8-anyos patay sa pagliligtas sa kuya
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang 8-anyos na batang babae nang tangkain nitong sagipin ang kaniyang 13-anyos na kuya mula sa nasusunog nilang tahanan sa Barangay Batuan sa La Carlota City, Negros Occidental kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Wennie Villa na namatay sa Corazon Montelibano Memorial Hospital bunga ng  tinamong matinding pagkasunog ng katawan.

Ayon sa imbestigasyon, nakalabas na ang ama na si Wilfredo at mga anak nitong sina Wennie at Mae mula sa nasusunog nilang tahanan.

Kaagad naman naalala ng bata na naiwan pa sa loob ang kaniyang kuya na si Wilson na natutulog sa kuwarto nito.

Bigla na lamang tumakbo ang bata papasok sa loob ng nasusunog nilang tahanan upang gisingin ang kaniyang kuya pero na-trap ang mga ito ng apoy sa may kusina.

Nagawa naman ng mga bumbero na saklolohan ang dalawang bata pero binawian ng buhay sa ospital si Wennie habang ang kuya nito ay nagtamo naman ng 2nd degree burn.

Sa imbestigasyon, ang sunog na tumagal ng halos isang oras bago naapula ay nagmula sa kusina ng tahanan ng pamilya.

AYON BARANGAY BATUAN BIGLA CORAZON MONTELIBANO MEMORIAL HOSPITAL KAAGAD KINILALA LA CARLOTA CITY NEGROS OCCIDENTAL WENNIE WENNIE VILLA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with